PART 1 | SA AIRPORT DAPAT SIYA DADALHIN, PERO SA MENTAL SIYA DINALA NG BIYENAN NIYANG BRGY CAPTAIN!
Sep 27, 2018
  • 4,848,408
  • 39,950
  • 2,986

Para sa PART 2 & PART 3, puntahan ang mga links na ito:
PART 2: https://youtu.be/yrG_eiBsjsg
PART 3: https://youtu.be/6f1qj3YEK0c

Dumulog si Queenie Rose Detic upang humingi ng tulong na makahingi ng sustento para sa limang taong gulang na anak nya sa kanyang ex-husband na si Michael Detic. Kasal pa silang dalawa ngunit mayroon na silang kanya-kanyang buhay.

Ayon kay Queenie, limang taon niyang kinaya ang pagpapalaki sa kanyang anak nang walang tulong mula sa kanyang dating asawa.

Nakapanayam din sa programa si Michael at nagsabing payag naman siyang magsustento, kaya nga lang, si Queenie naman daw umano ang nawala at umalis sa kanilang poder.

Dito na nagsimula ang pagsisiwalat ni Queenie sa tunay na dahilan ng paglayo nilang mag-ina. Ayon kay Queenie, noong panahong sagad na siya, nagdesisyon siyang umuwi na sa kanilang probinsya. Sabi ng kanyang biyenan na tatay ni Michael, siya ay ihahatid sa airport. Ngunit laking gulat na lang ni Queenie nang siya ay mauwi sa National Mental Hospital ng araw na iyon. Nilahad ni Queeni kung paano siya tinali at walang kamalay-malay na tinurukan ng gamot. Paggising daw niya, mga baliw na ang mga kasama niya.

Laking pasasalamat ni Queenie nang siya ay tubusin ng kanyang kaibigan mula sa mental hospital. Dito na sinimulan ni Queenie ang pagkuha ng clearance sa PGH and UST, para patunayan na siya ay may maayos na katayuan sa pag-iisip. Humingi siya ng tulong sa MSWD upang mabawi ang kanyang anak sa poder ng kanyang dating asawa.

Sa part 2 ng ating kwento, tunghayan ang pagtatapat ni Queenie at ng kampo ng mga Detic.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite