PART 2 | SA AIRPORT DAPAT SIYA DADALHIN, PERO SA MENTAL SIYA DINALA NG BIYENAN NIYANG BRGY CAPTAIN!
Sep 28, 2018
  • 5,092,477
  • 46,249
  • 4,555

Para sa PART 1 & PART 3, puntahan ang mga links na ito:
PART 1: https://youtu.be/zHjLulDCTYs
PART 3: https://youtu.be/6f1qj3YEK0c

Humarap kay Queenie Rose Detic ang kanyang biyenan na si Jesusa Detic, nanay ng kanyang dating asawang si Michael. Kasama nito ang kanyang pamangkin na si Paz Villanueva, na kasama noong araw na si Queenie ay dinala sa mental hospital.

Ayon kay Paz, nagiging mapanakit na si Queenie at nagtatangka umanong patayin ang kanyang sarili at ang kanyang anak kaya napagpasiyahan nilang dalhin siya sa mental. May dala-dala ding mga papeles si Paz na nagpapatunay umano na si Queenie ay sinuri ng doctor at niresetahan ng gamot. Ayon daw sa kanilang mga dalang papeles, si Queenie din daw ay nagpabalik-balik sa mental upang magpacheck-up. Lubos naman itong itinanggi ni Queenie.

Nagpasya si idol na isangguni sa mga experto ang sitwasyon dahil mahirap tukuyin dahil sa mga medical terms, kung anong panig nga ba ang nasa tamang katwiran. Muling binalik ang pag-uusap sa orihinal na dahilan kung bakit pumunta si Queenie sa programa at iyon ay paghingi niya ng sustento para sa anak.

Nagharap sa programa sila Michael at Queenie at napagkasunduang magbibigay si Michael ng P10,000 at pampaaral sa kanilang anak. Ito naman ay ginawang pormal sa pamamagitan ng kasulatan na inihanda ng MSWD.

Lubos na nagpasalamat si Queenie at naisaayos na ang sustento ng kanyang anak at nagpasyang hindi na itutuloy ang kaso laban sa mga Detic dahil sa pagdadala sa kanya sa mental hospital

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite