PART 2 | AMPON, AYAW PADALAWIN NG MGA KAMAG-ANAK SA MAY SAKIT NIYANG INA
Oct 10, 2018
  • 546,658
  • 5,796
  • 237

Para sa PART 1 ng video, panoorin ang link na ito:
https://youtu.be/9kScl3QzViI

Ang gusto lamang sana ni Anne Sanchez ay madalaw at mapasyal ang kanyang ina habang ito ay nabubuhay. Kaya lang, hinahadlangan ito ng mga kamag-anak ng kanyang ina dahil siya raw ay ampon. Mula ng siya ay maliit pa, hindi na raw siya gusto ng mga kamag-anak at laging sinasabihang ampon. Pero kung titingnan ang kanyang birth certificate, ang nanay niyang si Dr. Perla Sanchez ang nakasulat na kanyang ina.

Itinanggi naman ng kanyang tiyuhing si Ricardo Sanchez ang mga kwento ni Anne. Ayos lang sanang dumalaw si Anne pero sana ay huwag na maging pabigat at humingi ng pera sa ina. Ang pinsan naman niyang si Judith Cruz ay may reklamo din na huwag ipasyal ang ina niya kung saan-saan dahil kapag nagkakasakit daw ito ay sila naman ang nahihirapan.

Ayon kay Anne ayos lang sa kanya na siya na rin ang mag-alaga sa ina kung siya man ay magkasakit. Tutulungan siya ng programa na madalaw at mapasyal ang ina. Ang tanging nais lamang ni Anne ay mapasyal ang ina sa Batangas at makadalo sa healing mass sa Padre Pio sa kanyang kaarawan.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInsta...
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite