SABI NI MISIS KABIT DAW NI MISTER SI SARHENTO. PERO BWELTA NI MISTER, MAG-GF PA LANG DAW SILA!
Oct 11, 2018
  • 1,111,380
  • 5,696
  • 915

Sanga-sanga ang kwento ng mag-asawang Alehel at Michael Pili sa kung ano nga ba ang ugat ng kanilang paghihiwalayan.

Ayon kay misis, nagsimula ang lahat nang magkaroon ng relasyon si Michael sa katrabaho nitong si Sgt. Angelica Atienza. May mga katrabahong nagbigay impormasyon sa kanya ng kanilang relasyon at sa pagkakaalam niya ay nagsasama na ang dalawa kahit na sila ay kasal pa ni Michael.

Itinaggi naman ni Michael na sila ay nagsasama, ngunit pinatotohanan niyang sila ay mgkasintahan na. Ayon kay Micheal, nagsimula silang magkalaboan ng misis mula ng nabalitaan nito na sila ay may pagkakaunawaan ng bayaw o asawa ng kapatid niya. Umabot umano sila sa barangay at nagharap-harap ang kanilang pamilya. Masama din ang loob ni Michael dahil paulit-ulit umano siyang ineeskandalo ng misis at nirereklamo sa mga bintang nito. Pero kahit kalian hindi niya ito napatunayan at hindi nakasuhan si Michael. Napilitan na lang siyang magresign dahil umano sa kahihiyan na binibigay sa kanya ng misis.

Hindi naman ito pinatotohan ni Alehel at sinabing gawa-gawa lang ito at dahil lang ito sa selos ng kapatid ni Michael.

Pinayuhan si Alehel ni idol na maaari niyang kasuhan ang dating asawa kapag sila ay nahuli sa aktong nagsasama ng kasintahan dahil sila ay kasal pa. Pero habang wala siyang patunay, wala siyang magagawa sa laban sa kanilang dalawa.

PAALALA: Huwag maniniwala sa ano mang text o tawag na nagpapakilalalang staff ng Raffy Tulfo in Action. Ang lahat ng reklamo ay aming hinaharap sa TV5 Media Center lamang (Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City. Monday-Friday, 9am to 3pm). Ang aming pagtulong ay libre.

Sa mga nagtatanong kung paano makapagpapaabot ng tulong o donasyon, mag-email lamang po sa info@raffytulfoinaction.com at huwag po kayong magbibigay sa comment ng ano mang personal na detalye dahil maaari kayong maging target ng panloloko.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite