LOLA, UMAAKYAT SA PADER PARA MAKAPASOK NG KANYANG BAHAY. DAANAN NIYA BINAKURAN!
Oct 25, 2018
  • 2,789,375
  • 32,300
  • 1,612

Bakas sa mukha ni Lola Lourdes, 70 anyos, ang hirap.

Hirap siya sa paghinga gawa ng kanyang hika at payat na payat. Sa kabila nito, nagawa pang harangan ng kanyang kapitbahay ang kanyang daanan papasok ng bahay kaya napipilitan pa ang matanda na umakyat ng pader, makapasok lamang sa bahay.

Inilahad ni lola ang pagkakautang niya sa kapitbahay na sina Charito at Nathaniel at naging kapalit nito ang bahay na kanyang tinitirahan. Humingi ng tulong ang programa sa NHA upang suriin kung legal nga ba ang pagkakalipat ng lupa ni lola sa kanyang kapitbahay.

Pero sa madaling panahon, tumugon naman ang NHA na gawan ng madadaan si lola para hindi na umakyat pa ng bakod.

PAALALA: Huwag maniniwala sa ano mang text o tawag na nagpapakilalalang staff ng Raffy Tulfo in Action. Ang lahat ng reklamo ay aming hinaharap sa TV5 Media Center lamang (Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City. Monday-Friday, 9am to 3pm). Ang aming pagtulong ay libre.

Huwag po kayong magpost ng inyong comments na gusto ninyong makatulong o nagtatanong kung paano kayo makakatulong sa mga complainant na nasa video. Marami na po kaming natatanggap na reklamo tungkol sa mga taong nagbibigay ng maling impormasyon o nagpapanggap na staff ng Raffy Tulfo in Action para makapanloko. Kung nais po ninyong tumulong sa mga taong nasa video, magsadya lamang po kayo o magpadala ng representative sa TV5 Media Center at para personal na iabot sa mismong mga taong gusto ninyong matulungan. Salamat po.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite